Happy Mother’s Day, Nanay!
UGOY NG DUYAN
(l. san pedro/l. celerio)
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
O! inay.
Malayo man tayo sa isa’t isa, dama ko ang pagmamahal mo, Nanay. Salamat sa mga leksyon ng buhay kahit minsan hindi tayo magkatugma ng pananaw at paniniwala. Salamat sa pagpapakita mo ng katatagan sa gitna ng mga nagdaang lumbay at dalamhati. Ikaw ang habi ng ating pamilya at kami, na iyong mga anak, ang hibla. Kung wala ka, kami’y mistulang mga walang silbing sinulid.
Nandito ako ngayon nang dahil sa iyo. Kaya salamat.